Thursday, October 20, 2016

Andrea Torres, bridesmaid sa Rochelle-Arthur wedding

Andrea Torres, bridesmaid sa Rochelle-Arthur wedding


Ang "Alyas Robinhood" star na si Andrea Torres ang magiging bridesmaid sa gaganaping kasalan nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap.
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA news "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing isa si Andrea sa mga naging saksi sa pag-usbong ng pag-iibigan nina Rochelle at Arthur.
Kaya naman flattered at tuwang-tuwa raw si Andrea na maging bridesmaid sa kasal ng kaniyang bestfriend na si Rochelle.
"Si Rochelle kasi para ko na 'yang nanay na ate, na bestfriend. Talagang napakalaki nang naitulong niya sa buhay ko," ayon kay Andrea.
Samantala, labis naman ang pasasalamat ni andrea sa mga tumatangkilik ng kanilang primetime series na "Alyas Robinhood."
Umaani ng papuri sa mga manonood ang kanyang pagganap bilang si "Venus," na bukod sa pagiging sexy ay palaban din.
Bagama't ang hangad lang daw nila ay mapasaya ang mga manonood, labis nilang ikinatuwa na nangunguna pa sila sa ratings.
Kaya naman labis ang pasasalamat nila ng mga kasama niya sa serye na sina Dingdong Dantes, Megan Young at iba pang bumubuo sa programa sa patuloy na pagtangkilik ng mga tao sa "Alyas Robinhood." -- FRJ, GMA News

Kris: ‘Igalang natin ang desisyon ng MMFF Rules Committee!’

Kris: ‘Igalang natin ang desisyon ng MMFF Rules Committee!’ : IKINALUNGKOT ni Kris Aquino ang desisyon ng Metro Manila Film Festival Rules C...